Maging mas produktibo gamit ang Chrome

Mga Filter:

    Ipinapakita ng right-click menu ng tab ng Chrome ang “Ipadala sa iyong mga device” na may badge na “Bago,” na naglilista ng mga nakakonektang device sa isang sub-menu.

    Artificial Intelligence

    Magpatuloy kung saan ka huminto

    Sa isang pang-edukasyong video, nag-a-ask ang user sa Gemini sa Chrome ng halimbawang ibinigay ng video at ng mga timestamp kung saan ito tinalakay

    Artificial Intelligence

    Magtanong tungkol sa mga video o audio na na-play mo

    pagiging produktibo

    Bagong paraan para tingnan ang iyong mga tab

    Isang PDF na nakabukas sa Chrome PDF viewer na may mga nakaguhit na anotasyon at lagda.

    pagiging produktibo

    Lagdaan at i-annotate ang iyong mga PDF

    Experience ng user sa autofill para sa pagpunan ng mga loyalty card, impormasyon ng sasakyan, at impormasyon ng flight.

    pagiging produktibo

    I-autofill ang iyong mga loyalty card, detalye ng flight, at impormasyon ng sasakyan

Artificial Intelligence

Magpatuloy kung saan ka huminto

Magpadala ng anumang nakabukas na tab sa isa pa sa iyong mga device sa loob ng ilang pag-click. Pinapanatili ng Chrome ang iyong puwesto sa page at dinadala nito ang na-type mo sa mga form, para hindi mo na kailangang magsimula ulit.

  1. Tiyaking naka-sign in ka sa Chrome gamit ang parehong account sa iyong telepono at computer.
  2. Sa iyong telepono, i-tap nang matagal ang address bar at piliin ang Ipadala sa device mo.
  3. Pumili ng device, gaya ng iyong computer. Bubukas ang tab sa tabstrip ng iyong computer.

Tip: Para magpadala ng mga tab mula sa iyong computer, mag-right click sa anumang tab para magsimula.

Artificial Intelligence

Magtanong tungkol sa mga video o audio na na-play mo

Puwede kang magtanong tungkol sa narinig mo sa video at audio, at masasagot ng Gemini sa Chrome ang mga ito. Subukang humingi ng mga detalye o buod para mas maunawaan ang content na pinakinggan mo.

  1. Buksan ang Gemini sa Chrome.
  2. I-share ang tab na may audio o video.
  3. Magtanong tungkol sa pinapakinggan mo.

Para i-off ang feature na ito, pumunta sa mga setting ng Chrome > AI sa Chrome > Gemini sa Chrome. Pagkatapos, i-off ang setting na “Pag-unawa sa media.”

pagiging produktibo

Bagong paraan para tingnan ang iyong mga tab

Inililipat ng mga vertical na tab ang iyong mga tab sa gilid ng window mo, na nagbibigay-daan sa iyong makita ang buong mga pamagat ng tab, madaling pamahalaan ang mga grupo ng tab, at magbakante ng vertical na space. Ito ang perpektong setup kung karaniwan kang may maraming tab na nakabukas nang sabay-sabay.

Para ilipat ang iyong mga tab, mag-right click sa tab strip mo at piliin ang Ipakita ang mga tab nang patayo.

pagiging produktibo

Lagdaan at i-annotate ang iyong mga PDF

Laktawan ang pag-download at pag-print kapag oras na para lagdaan ang isang PDF. Gamitin ang tool sa anotasyon para gumuhit ng iyong personal na lagda, magkumpleto ng mga form, at mag-highlight ng mga linya.

  1. Magbukas ng PDF at i-click ang Mga Anotasyon .
  2. Piliin ang istilo at kulay ng iyong pen o highlighter.
  3. Iguhit ang iyong anotasyon o lagda, at i-click ang I-save .

Tip: Para mas mapadali ang pagguhit sa isang maliit na linya, I-zoom ang PDF.

pagiging produktibo

I-autofill ang iyong mga loyalty card, detalye ng flight, at impormasyon ng sasakyan

Huwag nang maghanap ng mga detalye! Naka-integrate na ang Chrome sa Google Wallet para mabilis at secure na mag-autofill ng higit pang uri ng impormasyon.

  • Mga loyalty card: Makuha ang iyong mga reward nang walang pisikal na card.
  • Impormasyon ng sasakyan: Mabilisang kumpletuhin ang mga form para sa mga quote sa insurance, booking sa parking, o pagpaparehistro ng iyong sasakyan online.
  • Mga detalye ng flight: Mas mabilis na mag-check in sa pamamagitan ng awtomatikong pagpunan ng mga numero ng kumpirmasyon at petsa.
Experience ng user sa autofill para sa pagpunan ng mga loyalty card, impormasyon ng sasakyan, at impormasyon ng flight.