Magpatuloy kung saan ka huminto

Magpadala ng anumang nakabukas na tab sa isa pa sa iyong mga device sa loob ng ilang pag-click. Pinapanatili ng Chrome ang iyong puwesto sa page at dinadala nito ang na-type mo sa mga form, para hindi mo na kailangang magsimula ulit.

  1. Tiyaking naka-sign in ka sa Chrome gamit ang parehong account sa iyong telepono at computer.
  2. Sa iyong telepono, i-tap nang matagal ang address bar at piliin ang Ipadala sa device mo.
  3. Pumili ng device, gaya ng iyong computer. Bubukas ang tab sa tabstrip ng iyong computer.

Tip: Para magpadala ng mga tab mula sa iyong computer, mag-right click sa anumang tab para magsimula.

Matuto pa

Magtanong tungkol sa mga video o audio na na-play mo

Puwede kang magtanong tungkol sa narinig mo sa video at audio, at masasagot ng Gemini sa Chrome ang mga ito. Subukang humingi ng mga detalye o buod para mas maunawaan ang content na pinakinggan mo.

  1. Buksan ang Gemini sa Chrome.
  2. I-share ang tab na may audio o video.
  3. Magtanong tungkol sa pinapakinggan mo.

Para i-off ang feature na ito, pumunta sa mga setting ng Chrome > AI sa Chrome > Gemini sa Chrome. Pagkatapos, i-off ang setting na “Pag-unawa sa media.”

Matuto pa

Bagong paraan para tingnan ang iyong mga tab

Inililipat ng mga vertical na tab ang iyong mga tab sa gilid ng window mo, na nagbibigay-daan sa iyong makita ang buong mga pamagat ng tab, madaling pamahalaan ang mga grupo ng tab, at magbakante ng vertical na space. Ito ang perpektong setup kung karaniwan kang may maraming tab na nakabukas nang sabay-sabay.

Para ilipat ang iyong mga tab, mag-right click sa tab strip mo at piliin ang Ipakita ang mga tab nang patayo.

Lagdaan at i-annotate ang iyong mga PDF

Laktawan ang pag-download at pag-print kapag oras na para lagdaan ang isang PDF. Gamitin ang tool sa anotasyon para gumuhit ng iyong personal na lagda, magkumpleto ng mga form, at mag-highlight ng mga linya.

  1. Magbukas ng PDF at i-click ang Mga Anotasyon .
  2. Piliin ang istilo at kulay ng iyong pen o highlighter.
  3. Iguhit ang iyong anotasyon o lagda, at i-click ang I-save .

Tip: Para mas mapadali ang pagguhit sa isang maliit na linya, I-zoom ang PDF.